Pagpapatingin sa iyong doktor mula sa bahay.
Nagpapatingin ang karamihang tao sa mga provider ng pangunahing ng pangangalaga (doktor) o mga espesyalista (doktor na gumagamot sa ilang uri ng mga problema sa pangangalagang pangkalusugan) sa kanilang mga klinika. Maaari kang magpatingin sa iyong doktor o espesyalista mula sa bahay. Tinatawag ang mga ito na mga pagpapatingin sa pamamagitan ng telehealth. Ang mga pagpapatingin sa pamamagitan ng telehealth ay mas madaling paraan para makuha ang pangangalaga na kailangan mo at manatili kang may kaugnayan sa iyong doktor o espesyalista nang walang oras ng paghihintay at paglalakbay. Magagawa mo ito sa paggamit ng computer, tablet, smartphone na may video, o telepono.Kung nais mong magpatingin gamit ang telehealth, makipag-usap sa iyong doktor upang malaman kung isa ito sa iyong mapagpipilian. Kung wala kang access sa isang device, maaari kang makipagtulungan sa iyong doktor upang makabisita sa kanyang klinika sa halip.
Kung bahagi ang iyong doktor ng Programang Telehealth ng Partnership, maaari ka niyang ikonekta sa isang espesyalista. Mayroon ding paraan para direkta kang makipag-ugnayan sa isang espesyalista sa pamamagitan ng mga direktang pagbisita sa miyembro. Ang mga direktang pagbisita sa miyembro ay mga pagpapatingin gamit ang telehealth na sangkot lamang ang pasyente at ang espesyalista, at maaari itong gawin sa klinika ng iyong doktor o mula sa iyong bahay. Nangangailangan ng referral mula sa iyong doktor ang ganitong uri ng pagpapatingin. Itanong sa iyong doktor kung tama para sa iyo ang direktang pagbisita sa miyembro. Kung isa kang Direktang Miyembro sa Partnership, hindi mo kailangan ng referral mula sa doktor.
Maaaring kailangang gawin sa klinika ng iyong doktor ang ilan sa iyong mga pagbisita, tulad ng pagsasagawa ng pagsusuri ng katawan, pagbabakuna o anumang iba pang bagay na kailangan ng iyong doktor upang makita ka nang personal.
Ang mga pagbisita sa telehealth ay isang saklaw na serbisyo ng Medi-Cal para sa mga miyembro ng Partnership. Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa iyong pagbisita, tumawag sa iyong doktor. Nasa harap ng iyong Partnership ID card ang numero ng telepono ng iyong doktor. Maaari ka ring tumawag sa aming Departamento ng mga Serbisyo sa Miyembro sa (800) 863- 4155. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa (800) 735-2929 o 711.