Oo, maaari naming isiwalat ang impormasyon sa kalusugan nang wala kayong awtorisasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga pribadong indibidwal at organisasyon sa iba't ibang pangyayari kung saan inaatasan o pinahihintulutan kami ng batas na gawin ito. Ang ilang partikular na impormasyon sa kalusugan ay maaaring napapasailalim sa mga paghihigpit ng batas ng pamahalaang pederal o estado na maaaring maglimita o pumigil sa ilang mga paggamit o pagsisiwalat. Halimbawa, may mga espesyal na paghihigpit sa pagsisiwalat ng impormasyon sa kalusugan na nauugnay sa katayuan sa HIV/AIDS, genetic na impormasyon, paggamot sa kalusugan ng pag-iisip, mga kapansanan sa pagdebelop, at paggamot para sa pang-aabuso ng droga o alak. Sinusunod namin ang mga paghihigpit na ito sa aming paggamit ng inyong impormasyon sa kalusugan.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga halimbawa ng mga uri ng pagsisiwalat na maaaring kailangan o pinahihintulutan kaming gawin nang wala kayong awtorisasyon:
- Kapag Hinihingi ng Batas: Isisiwalat ng PHC ang inyong impormasyon sa kalusugan kapag inatasan ng anumang batas ng pamahalaang pederal, estado o lokal na gawin ito
- Kapag may mga Panganib sa Kalusugan ng Publiko: Maaaring isiwalat ng PHC ang inyong impormasyon sa kalusugan:
- Sa mga awtoridad sa kalusugan ng publiko o iba pang mga awtorisadong tao kaugnay sa mga gawain para sa kalusugan ng publiko, tulad ng pagpigil o pagkontrol sa karamdaman, pinsala o kapansanan o sa pagsasagawa ng pagbabantay o pag-iimbestiga sa kalusugan ng publiko
- Upang mangolekta ng impormasyon o mag-ulat ng mga masasamang pangyayari na nauugnay sa kalidad, kaligtasan o pagiging epektibo ng mga produkto o gawaing pinangangasiwaan ng FDA
- Upang Mag-ulat ng Pang-aabuso, Pagpapabaya, o Karahasan sa Tahanan: Inaatasan ang PHC na abisuhan ang mga ahensiya ng pamahalaan kung naniniwala kami na ang isang miyembro ay biktima ng pang-aabuso, pagpapabaya o karahasan sa tahanan.
Kaugnay ng mga Prosesong Pangkorte at Pang-administratibo: Maaaring isiwalat ng PHC ang inyong impormasyon sa kalusugan habang ginagawa ang anumang prosesong pangkorte o pang-administratibo bilang tugon sa isang kautusan ng korte o administratibong hukuman tulad ng hayagang pinahintulutan ng naturang kautusan o bilang tugon sa isang subpoena, discovery request o iba pang prosesong naaayon sa batas, ngunit kapag gagawa lamang ang PHC ng makatwirang pagsisikap upang abisuhan kayo tungkol sa kahilingan o kumuha ng kautusang pumoprotekta sa inyong impormasyong pangkalusugan.
Para sa mga Layuning Pagpapatupad ng Batas:
- Ayon sa hinihingi ng batas para sa pag-uulat ng mga partikular na uri ng sugat o iba pang mga pinsala sa katawan alinsunod sa isang kautusan ng korte, warrant, subpoena, summons o kaparehong proseso
- Para sa layuning pagtukoy o paghahanap ng suspek, taong takas sa batas, mahalagang saksi o nawawalang tao
- Sa ilalim ng mga partikular na limitadong pangyayari, kapag kayo ay biktima ng isang krimen
- Sa isang opisyal na tagapagpatupad ng batas kung hinihinala ng PHC na ang inyong pagkamatay ay resulta ng kriminal na gawain kabilang ang kriminal na gawain sa PHC
- Sa isang emergency upang mag-ulat ng krimen
Para sa Donasyon ng Organ, Mata o Tissue: Maaaring gamitin o isiwalat ng PHC ang inyong impormasyon sa kalusugan sa mga organisasyong nangangalap ng organ o iba pang mga entidad na gumagawa ng pangangalap, pag-iimbak at pagta-transplant ng mga organ, mata o tissue para sa layuning pagpapadali sa donasyon at pagta-transplant.
Kung Magkaroon ng Seryosong Banta sa Kalusugan at Kaligtasan: Kung naaayon sa naaangkop na batas at mga etikal na pamantayan ng kilos at pag-uugali, maaaring isiwalat ng PHC ang inyong impormasyon sa kalusugan kung naniniwala ang PHC nang may mabuting layunin, na ang ganoong pagsisiwalat ay kinakailangan upang maiwasan o mabawasan ang seryoso o napipintong panganib sa inyong kalusugan o kaligtasan o sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Para sa mga Natukoy na Tungkulin ng Pamahalaan: Maaaring magsiwalat ang PHC sa mga awtorisadong opisyal ng pederal na pamahalaan sa mga gawain kaugnay ng pambansang seguridad o para sa pagbibigay ng mga serbisyong pangprotekta sa mga opisyal.
Para sa Bayad-Pinsala sa mga Manggagawa: Maaaring ilabas ng PHC ang inyong impormasyon sa kalusugan para sa bayad-pinsala sa manggagawa o mga kaparehong programa.
Sa isang Koreksiyonal na Institusyon o Opisyal sa Pagpapatupad ng Batas: Kung kayo ay bilanggo sa isang koreksiyonal na institusyon o nasa ilalim ng kustodiya ng isang opisyal sa pagpapatupad ng batas, maaari naming ibigay ang impormasyon sa kalusugan tungkol sa inyo sa institusyon o sa opisyal
Sa iba pang mga ahensiyang nangangasiwa ng mga programa ng pamahalaan sa mga benepisyong pangkalusugan, ayon sa pinahintulutan o hinihingi ng batas
Para sa mga Layunin ng Imyunisasyon: Sa isang paaralan, tungkol sa isang miyembro na isang estudyante o nagbabalak na maging estudyante ng paaralan, ngunit kapag lamang: (1) ang impormasyong isinisiwalat ay limitado sa katibayan ng imyunisasyon; (2) ang paaralan ay inaatasan ng Estado o ng iba pang batas na magkaroon ng ganoong katibayan ng imyunisasyon bago tanggapin ang miyembro; at (3) may nakadokumentong pagsang-ayon ng miyembro o ng tagapag-alaga ng miyembro.
Para sa mga Layuning Pagtulong sa Panahon ng Sakuna: Maaaring isiwalat ng PHC sa isang publiko o pribadong entidad na pinahintulutan ng batas o ng charter nito na tumulong sa mga gawaing pagtulong sa panahon ng sakuna.
Para sa mga Layunin ng Pananaliksik: Maaaring gamitin o isiwalat ng PHC ang protektadong impormasyon sa kalusugan para sa mga layunin ng pananaliksik.