Mga Resource ng Imigrante

​​​​Mahalagang Impormasyon para sa Aming Mga Komunidad ng Imigrante

Paalala: Hindi nagbibigay ng legal na payo ang Parnership, kabilang ang payo na may kaugnayan sa imigrasyon. Bawat inidibidwal o pamilya ay magkakaiba; makipag-ugnayan sa mga resource ng imigrasyon para sa kwalipikadong legal na payo

Na-update noong Hunyo 2025

Data ng Medicaid Immigrant

Alam ng Partnership HealthPlan ng California ang mga kamakailang ulat na nagbahagi ang Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS) ng personal na impormasyon, kabilang ang kalagayan ng dokumentasyon, tungkol sa mga miyembro ng Medi-Cal sa Department of Homeland Security o Immigration and Customs Enforcement (ICE). Hindi pa beripikado ang mga ulat, ngunit patuloy naming sinusubaybayan ang kalagayan. Gusto ng Partnership na malaman ng aming mga miyembro ang kanilang mga karapatan at may dedikasyon kaming protektahan ang privacy, kaligtasan, at pag-access sa pangangalaga mo.

Alam naming maaaring maging kumplikado at nakakatakot ang panahon ngayon, ngunit gusto naming malaman mo na pinahahalagahan ng Partnership ang lahat ng aming miyembro at narito sila para makatulong.

Dapat Mong Malaman:

  • Available pa rin sa lahat na karapat-dapat ang Medi-Cal, sa kabila ng katayuan ng imigrasyon.
  • Dapat ka pa ring humingi ng medikal na pangangalaga at posibleng ma-access ang mga virtual na serbisyo kung hindi ka komportableng umalis sa bahay. Kasama nitong mga serbisyog ito ang linya ng tagapayong nurse at mga serbisyo ng telehealth.
  • Ang mga pagbisita sa telehealth ay isang saklaw na serbisyo ng Medi-Cal para sa mga miyembro ng Partnership, pero hindi lahat ng mga provider ay nag-aalok ng serbisyo ng telehealth. Inirerekomenda namin sa iyong tumawag sa inyong doktor para malaman kung puwede mong ma-access ang pangangalaga sa telehealth. Nasa harap ng Partnership ID card mo ang numero ng telepono ng doktor mo. Puwede mo ring tawagan ang aming Departamento ng Mga Serbisyo sa Miyembro para matuto pa tungkol sa mga opsyon sa telehealth mo. Tawagan ang (800) 863-4155 Lunes – Biyernes, 8 a.m. - 5 p.m.
  • Kung nakakaranas ka ng stress, pagkabalisa, o depresyon, tumawag o mag-text sa CalHOPE para sa libreng tulong sa kalusugan ng pag-iisip at para kumonekta sa mga lokal na resource sa (833) 317-4673.
  • Puwede mong hilingin sa iyong provider ng pangunahing pangangalaga na i-refer ka sa mga serbisyong pangkalusugan ng pag-iisip at pag-uugali. Ikokonekta ka nila sa mga lisensyadong eksperto sa kalusugan ng pag-iisip na nauunawaan ang pinagdadaanan mo at pananatilihin ang privacy mo.

Mga Resource:​

  • Sentro ng Legal na Resource ng Imigrante o Immigrant Legal Services (Mga Red Card): www.ilrc.org/red-cards-tarjetas-rojas
    Ang Red Card ay isang piraso ng papel na malinaw na nagsasaad ng mga karapatan mo bilang isang imigrante sa U.S. Kung may lalapit sa iyo, ipakita ang card na ito sa sinumang pulis, opisyal ng Homeland Security, Border Patrol agent, o opisyal ng ICE.
  • Departamento ng mga Serbisyong Panlipunan – Programa ng Pagdepensa laban sa Deportasyon (California Department of Social Services – Removal Defense Program):
  • Listahan ng mga nonprofit ng California na nag-aalok ng mga libreng serbisyong legal sa imigrasyon, kabilang ang mga serbisyong legal sa pagdepensa laban sa deportasyon:
    CDSS RD FY22-24 Grantee List_External_2023
  • ACLU Northern California – Kailangan mo ba ng Legal na Tulong? Sa English
    Para sa legal na payo, at para humiling ng mga serbisyong legal sa imigrasyon.
  • ACLU Northern California – Ano ang Gagawin Kung Kukomprontahin ka ng ICE sa Bahay o Trabaho Sa English
    Bisitahin ang website ng ACLU NorCal para malaman ang tungkol sa mga warrant, kung ano ang sasabihin kung mapanganib para sa iyo ang pagbabalik sa bansang sinilangan mo, at kung paano gumawa ng emergency plan kasama ang pamilya mo.
  • Ang Coalition for Humane Immigrant Rights (CHIRLA)
    Para sa mga katanugan tungkol sa mga karapatan ng imigrante, proseso ng citizenship ng U.S., DACA, at Immigrant Rent Relief:
    Tumawag sa Linya para sa Tulong sa Imigrasyon ng CHIRLA (CHIRLA Immigration Assistance Line) sa (888) 624-4752 Lunes - Biyernes, 9 a.m. - 5 p.m.
  • Immigrant Legal Resource Center (ILRC) - Toolkit ng Alamin Ang Karapatan Mo
    Ang Sentro ng Legal na Resource ng Imigrante (Immigrant Legal Resource Center) ay may mga materyales para makatulong na turuan ang komunidad at ihanda ang mga indibidwal para sa mga posibleng pakikipagtagpo sa mga awtoridad ng imigrasyon.
  • Ang Mga Madalas Itanong ng Department of Health Care Services ng Medi-Cal Immigrant Eligibility ay nagbibigay ng mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa Medi-Cal.​